Huwebes, Oktubre 12, 2017
SAKIT NA DULOT
Sakit Na Dulot
ni:Black Death
Bakit ba nagkakaganito?
Pag-ibig na kay gulong gulo.
Naisip ko'y ibaon sa limot na lang ito,
Sapagkat nahihibang na ako.
Alam kong masasaktan lang ako,
Kung ipagpapatuloy ko pa ito.
Kaibigan lang ang turing mo,
Bukal sa loob taos na sambit mo.
Alam kung wala ng pag-asa,
Pero pilit parin akong umaasa.
Alam kong may mahal kang iba,
Pero ang puso ko ikaw ang dinidikta.
Kailangan ba talagang maging tanga?
Bago ko masabi na ayoko na!!
Oo,masakit man pero tatanggapin ko,
Panahon na siguro'y itigil ko na ito.
Susuko na ako't,
Kisap matang lalayo sayo.
Ating ala-alang nagdaan,
Mananatiling ala-ala na lang.
Di na pwedeng balikan,
Sapagkat na ng nakaraan.
Ikrus mo sa noo huling mensahe ko sayo,
Salamat at naging tayo.
Mga hinanakit mo'y,
Ako'y natutu't nagbago.
Itong araw na ito,
Itaga mo sa bato.
Saki't na dulo't mo'y,
Pangako,pagsisihan mo..
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
BAKIT HINDI AKO
Bakit Hindi Ako ni:Piercegyn Dalangin ko sa kalangitan, Na sana'y dinggin at panambitan. Na sana'y ika...

-
Ang Aking Guro ni:leur Masdan mo ang guro,ang taong dakila, Mapagtitiis siya't laging matiyaga. Sa tungkulin niya'y lagi...
-
Ang Kalikasan ni:MJ Bonz Mahalaga ang kalikasan, Ito'y nagdudulot ng magandang kinabukasan. Kinabukasan na kailangang pangalaga...
-
Sakit Na Dulot ni:Black Death Bakit ba nagkakaganito? Pag-ibig na kay gulong gulo. Naisip ko'y ibaon sa limot na lang ito, Sapa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento