Huwebes, Oktubre 12, 2017

BAKIT HINDI AKO



Bakit Hindi Ako
ni:Piercegyn

               
Dalangin ko sa kalangitan,
Na sana'y dinggin at panambitan.
Na sana'y ika'y maawitan,
Ng awiting walang hangganan.

Ikaw ang nagbigay buhay,
Sa aking mundong walang kulay.
Sa mumunting oras na wala ka,
Iniisip kita kung na saan ka man.

Alam kong walang namamagitan,
Sa aking pagmamahal na inilaan.
Dahil na kahit si kamatayan,
Ay hahadlang sa dulo ng walang hanggan.

Halos liparin ko na ang kalangitan,
Para ika'y masilayan.
Wag naman sana'y akong ipagtaboyan,
Humahalik lang sa yapak ng iyong kabaitan.

Isang araw ako'y kinakabahan,
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.
Isang Alimuon ang aking narinig,
Na parang tinig ng tambol sa aking pandinig.

Ikaw ay may iniirog,
At alam kong ito'y iyong iniibig.
Sana maging maligaya,
Ang puso mong para talaga sa kanya.

Ibaon na lang sa hukay,
Ang aking nadarama.
Na kahit papano,
Ako'y maligaya.

Itaga mo sa bato,
Na nandito lang ako.
Wag mong kalimutan,
Na may isang taong hindi ka iiwan.

Sana tayo'y maging kaibigang kornal,
Magdudugtong sa ating nasimulang samahan.
Lumipas man ang panahon,
Tayo'y hindi maglilimutan.

Darating din ang tamang oras,
Na makahanap ako ng taong magmamahal ng wagas.
Kahit ilang taon ang lilipas,
Ang kanyang pagmamahal ay kailanman hindi kukupas.

ANG BUHAY NG GAMER

Ang Buhay ng Gamer
ni:lirffej kim

Kapag sila'y nalulumbay,
Sa kompyuter shop nakatambay.
Para matanggal ang lumbay,
Kalaro ang mga kahiramang suklay.

Bagyo man kung magsalita ang kalaban,
Hindi matitinag at lalaban.
Ipapamalas sa kalaban,
Ang angking kakayahan.

Bigay kaya kung lumaban,
Mapatumba lang ang kalaban.
Kaya maghanda na silang mag alsabalutan,
Siguradong talo na sila sa kalaban.

Kaya ihagis na ang tuwalya,
Habang ito'y maaga pa.
Kaya kayo'y sumuko na,
At umamin na kayo'y talo na.

Pero unahin mo parin pag-aaral mo,
Para kinabukasan mo ay sigurado.
Dahil ito'y pawang larong imbento,
At ginawa para libangan ng tao.

Bakit Hindi Ako                             
ni:Piercegyn
Dalangin ko sa kalangitan,
Na sana'y dinggin at panambitan.
Na sana'y ika'y maawitan,
Ng awiting walang hangganan.

Ikaw ang nagbigay buhay,
Sa aking mundong walang kulay.
Sa mumunting oras na wala ka,
Iniisip kita kung na saan ka man.

Alam kong walang namamagitan,
Sa aking pagmamahal na inilaan.
Dahil na kahit si kamatayan,
Ay hahadlang sa dulo ng walang hanggan.

Halos liparin ko na ang kalangitan,
Para ika'y masilayan.
Wag naman sana'y akong ipagtaboyan,
Humahalik lang sa yapak ng iyong kabaitan.

Isang araw ako'y kinakabahan,
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.
Isang Alimuon ang aking narinig,
Na parang tinig ng tambol sa aking pandinig.

Ikaw ay may iniirog,
At alam kong ito'y iyong iniibig.
Sana maging maligaya,
Ang puso mong para talaga sa kanya.

Ibaon na lang sa hukay,
Ang aking nadarama.
Na kahit papano,
Ako'y maligaya.

Itaga mo sa bato,
Na nandito lang ako.
Wag mong kalimutan,
Na may isang taong hindi ka iiwan.

Sana tayo'y maging kaibigang kornal,
Magdudugtong sa ating nasimulang samahan.
Lumipas man ang panahon,
Tayo'y hindi maglilimutan.

Darating din ang tamang oras,
Na makahanap ako ng taong magmamahal ng wagas.
Kahit ilang taon ang lilipas,
Ang kanyang pagmamahal ay kailanman hindi kukupas.

ANG AKING GURO


Ang Aking Guro
ni:leur 

Masdan mo ang guro,ang taong dakila,
Mapagtitiis siya't laging matiyaga.
Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa,
Walang tigil siya sa maghapong gawa.

Guro ko ang aking siyang nagturo sa akin,
Na ang ating lupa ay aking mahalin.
Ako raw ay gumawa at aking sikaping,
Mapaunlad itong mutyang bayan natin.

Siya ang nagturo ng kabayanihan,
Ng ating Mabini,Burgos at Del Pilar.
Siya ang nag-ulat sa buhay ni Rizal.

Siya ang nagturong ako'y maging tapat,
Sa mga tungkuling aking ginaganap.
Nagtatagumpay raw yaong masipag,
Di raw giginhawa yong taong tamad.

Siya ang maysabing ating tangkilikin,
Yaong mga bagay na yari sa atin.
Sino pa raw yong tutulungan natin,
Kundi kababayan at kalahi natin.

Guro ko ang aking tunay na huwaran,
Siya ay maayos sa kanyang katawan.
Sapag salita,siya ay magalang,
At sa diwa niya'y may matutunan.

ANG KALIKASAN



Ang Kalikasan
ni:MJ Bonz

Mahalaga ang kalikasan,
Ito'y nagdudulot ng magandang kinabukasan.
Kinabukasan na kailangang pangalagaan,
Para sa kapayapaan at kaunlaran.

Makabagbag damdamin na ang kalikasan ay nasira na,
Dahil sa pag-aabusong ginawa nila.
Hindi nila alam na ito ay mahalaga,
At lubos na nakatutulong sa bawat isa.

Ang tubig sa ilog dati'y kay linis pa,
Ngayon,ano na?
Ang dating kagubatan na hitik ang mga kahoy,
Ngayon,meron pa ba?

Kalikasa'y di dapat sayangin,
Dapat natin itong mahalin.
At bigyan natin ng pansin,
Upang kalikasan ay mailigtas natin.

Ikrus sa noo na tayo'y bata pa,
Huwag nating sayangin ang bawat umaga.
Nasa mga balikat o kamay natin ang pag-asa,
Upang maibalik natin ang dating ganda.

SAKIT NA DULOT


Sakit Na Dulot
ni:Black Death

Bakit ba nagkakaganito?
Pag-ibig na kay gulong gulo.
Naisip ko'y ibaon sa limot na lang ito,
Sapagkat nahihibang na ako.

Alam kong masasaktan lang ako,
Kung ipagpapatuloy ko pa ito.
Kaibigan lang ang turing mo,
Bukal sa loob taos na sambit mo.

Alam kung wala ng pag-asa,
Pero pilit parin akong umaasa.
Alam kong may mahal kang iba,
Pero ang puso ko ikaw ang dinidikta.
Kailangan ba talagang maging tanga?
Bago ko masabi na ayoko na!!

Oo,masakit man pero tatanggapin ko,
Panahon na siguro'y itigil ko na ito.
Susuko na ako't,
Kisap matang lalayo sayo.

Ating ala-alang nagdaan,
Mananatiling ala-ala na lang.
Di na pwedeng balikan,
Sapagkat na ng nakaraan.

Ikrus mo sa noo huling mensahe ko sayo,
Salamat at naging tayo.
Mga hinanakit mo'y,
Ako'y natutu't nagbago.

Itong araw na ito,
Itaga mo sa bato.
Saki't na dulo't mo'y,
Pangako,pagsisihan mo.
.

BAKIT HINDI AKO

Bakit Hindi Ako ni:Piercegyn                 Dalangin ko sa kalangitan, Na sana'y dinggin at panambitan. Na sana'y ika...